Isa sa mahalagang simbolo ng bansa ang watawat ng Pilipinas.

Tatlo ang pangunahing kulay nito.

  1. Bughaw, 
  2. Pula, at 
  3. Puti.

Ang kulay bughaw sa watawat ng Pilipinas ay nangangahulugan ng kapayapaan na mahalaga sa pag-unlad ng bansa.

Ang kulay pula naman ay nangangahulugan ng kagitingan na nagpapaalala sa matatag na kalooban ng mga mamamayan.

Ang kulay puti naman ay nangangahulugan ng kalinisan ng puri at dangal ng mga Filipino.

Ang tatlong bituin sa watawat ng Pilipinas

Ang tatlong bituin sa watawat o bandila ng Pilipinas ay kumakatawan sa tatlong pangkat ng
pulo ng Pilipinas. Ang mga pulong ito ay ang

  1. Luzon,
  2. Mindanao, at
  3. Visayas.

Ang unang bituin, ang pulo ng Luzon ay hango sa salitang "lusong" na ginagamit sa pagtanggal ng ipa at darak sa palay. Ito ang sumasagisag sa kasipagan ng mga Pilipino.

Ang ikalawang bituin, ang pulo ng Mindanao ay hango sa salitang "danaw" o lawa. Ito ay  sumasagisag sa tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan at ingatan ang kalikasan gaya ng yamang-tubig ng Pilipinas.

Ang ikatlong bituin, ang pulo ng Visayas ay hango sa salitang "masaya."Ito ay upang laging kabakasan ng saya ang mga kilos at kalooban ng mga Pilipino.

Araw sa gitna ng tatsulok

Ang araw sa gitna ng tatsulok ay sumisimbolo sa kaliwanagan ng isipan.

Ang walong sinag 

Ang walong sinag ay kumakatawan sa walong lalawigan na unang naghimagsik upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan. Ang mga probinsiyang ito ay ang

  1. Maynila,
  2. Bulacan, 
  3. Pampanga, 
  4. Nueva Ecija,
  5. Bataan,
  6. Laguna, 
  7. Batangas, at
  8. Cavite

Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito na ang bansa ay nasa digmaan kapag ang pulang kulay ng watawat ay nasa itaas habang nakawagayway.

Si Emilio Aguinaldo ang nagdisenyo ng watawat ng Pilipinas. Sina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa Natividad ang tumahi sa watawat sa loob ng limang araw sa Hongkong.

Noong Hunyo 12, 1898, iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni Emilio Aguinaldo.

Kaugnay na Artikulo: