Bakit ang ilong ng Pinoy ay pango?

Ang ilong mo ba ay pango?

May paliwanag na ang mga siyentipiko kung bakit karamihan sa Pinoy ay hindi matangos ang ilong.

Kaya wag mahihiya kung ang ilong mo ay pango.

Bakit matangos ang ilong ng ibang lahi, at ang sa Pinoy ay pango?

Ayon kay kuya Kim, ang tangos ng ilong ay may kinalaman sa klima kung saan galing ang tao.

Nag-evolve ang ilong ng mga tao sa malalamig na klima na maging matangos, dahil kailangang uminit ang hangin na pumapasok sa kanilang sistema.

Natagpuan din ng mga siyentipiko na kadalasan, pango ang ilong ng mga taong mula sa maiinit na lugar, tulad ng mga Pilipino, dahil hindi na nila kailangang painitin ang kanilang hininga. @ABSCBNNews

Mungkahing Basahin: