Ang Ilog Abulug o Abulog ang isa sa pinakamalaking ilog sa Filipinas kung pagbabatayan ang laki ng watershed.
Matatagpuan ito sa mga lalawigan ng Kalinga, Apayao, at Cagayan sa Hilagang Luzon.

May haba itong 175 km. Nagsisimula ito sa mga bundok ng Kalinga at magsasalubong sa Ilog Apayao malapit sa bayan ng Kabugao bago umagos pahilagang-silangan at bumuhos sa Karagatang Pasipiko sa bayan ang Abulug, lalawigan ng Cagayan. Ang pinagsamang drainage area ng Abulug at Apayao ay 444,500 ektarya.

Matatagpuan sa mga pampang ng Abulug ang matatanda at malalaking punongkahoy, pati ang ilang talon. Tulad ng ibang ilog sa rehiyon, may potensiyal ang Abulug na humatak ng mga turista at abenturero dahil sa whitewater rafting.

Sa mga pampang ng Abulug itinayo ng mga Espanyol ang mga unang misyon sa Apayao, ang Nuestra Senora de Rosario de Fotol (1610), San Lorenzo de Capinatan (1619), at San Cecilia de los Mandayas (1623). Hindi nagtagumpay ang mga pamayanang ito at tuluyang inabandona ng mga Espanyol.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: