Ang Ilog Agusan ay isang pangunahing daluyan ng tubig na matatagpuan sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ang Agusan at mga sangay nito ay sumasaklaw sa kalakhan ng Rehiyong Caraga at ilang bahagi ng Rehiyong Davao. Nagsisimula ito sa kabundukan ng lalawigan ng Compostela Valley, malapit sa Davao Oriental at sa Lungsod Tagum. Umaagos ito sa Lambak ng Agusan bago bumuhos sa Look Butuan sa bunganga nito sa Lungsod Butuan.

Ang Ilog Agusan ang ikatlong pinakamalaking river basin sa bansa sa lawak na 10,921 kilometro kuwadrado. May haba itong 350 km.

Maaaring hatiin sa tatlong bahagi ang saklaw ng Ilog Agusan at mga sangay nito. Ang una ay mula sa hulo nito sa Compostela Valley hanggang sa Santa Josefa at Veruela, Agusan del Sur; ang gitna’y mula sa Santa Josefa hanggang Amparo, Agusan del Sur; at ang ibaba’y mula Amparo hanggang Lungsod Butuan, Agusan del Norte.

Matatagpuan sa kaligiran ng ilog ang Latiang Agusan (Agusan Marsh) na may lawak na 19,197 ektarya. BĂ­lang tahanan ng mga nanganganib na hayop at halaman, mahalaga sa ekosistema ng Mindano ang latian, kung kaya naman ipinahayag itong wildlife sanctuary noong 1996.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: