Ang Ilog Panay ang isa sa mga pangunahing daluyan ng tubig sa pulo ng Panay sa Kanlurang Kabisayaan.

Matatagpuan ito sa lalawigan ng Capiz. May haba itong 98 km. Nagsisimula ito sa kabundukan sa mga bayan ng Tapaz, Capiz at ng Calinog, Iloilo sa gitna ng Panay bago dumaan sa labindalawang bayan ng Capiz, kabilang ang kabisera ng Lungsod Roxas, bago bumuhos sa Dagat Sibuyan sa Look Tinagong Dagat sa bayan ng Pontevedra.

Binubuo ng ilog at tatlong pangunahing sangay (Badbaran, Maayon, Mambusao) ang Panay River Basin, na may lawak na mahigitkumulang 2181 kilometro kuwadrado.

Ang ilog ang pinagmumulan ng malinis na tubig at kabuhayan (pangingisda, pagsasaka) ng mga mamamayan ng Roxas at maraming bayan ng Capiz. Tuwing panahon ng tag-ulan, hindi nawawala ang panganib ng pag-apaw ng ilog, na nagdudulot ng pagbaha sa karamihan ay mabababang bayan ng lalawigan. Ilan sa mga bagyong nagdulot ng pag-apaw ay ang Openg (1973), Undang (1984), at Frank (2008).


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: