On
Ang linagpang o nilagpang ay isang pagkain ng mga Ilonggo. Ito ay binubuo ng inihaw na karne ng hayop na nilagyan ng mainit na tubig at mga pampalasang sangkap.

Sa pagluto ng linagpang, iniihaw muna ang karne ng manok, baboy, o kadalasan ay isda. Pagkatapos ay inilalagay ang inihaw na karne sa isang mangkok na maaaring lagyan ng sumusunod na pampalasa: dahon ng sibuyas, sibuyas bombay, kamatis, ginamos, sili, luya, asin, at asukal.

Dinadagdagan ng kumukulong tubig ang mangkok at tinatakpan nang hindi bababâ sa limang minuto. Maaari na itong ihain pagkatapos.

Nabanggit ang linagpang sa “Turagsoy,” isang awiting-bayan ng mga Ilonggo.

Ang turagsoy ay isang uri ng isda. Sa awitin, ginawang linagpang ang turagsoy na nahuli sa isang sapĂ  malapit sa taniman.


Linagpang nga Turagsoy Lyrics

Ginsag-a ko ang sapa-sapa,
Didto sa may talamnanan
Ang turagsoy nga akon nadakpan
Ginhimo ko nga linagpang.

Linagpang ko nga turagsoy
Sa sabaw nagalangoy-langoy
Ginlaktan ko sang ginamos
Pinamalhas gid kami sang higop.

Ang siling sang nakatilaw
Sampat gid ang timplada
Linagpang nga turagsoy
Kanamit higpon.

May nagatulo ang luha
Nga wala naman sing kasubo
Bangod sang turagsoy nga akon linagpang
Tama gid ka kahang.


Pinagmulan; NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: