Ang Bundok Halcon (Hal·kón) ang isa sa pinakamataas na tuktok sa Filipinas. Matatagpuan ito sa bayan ng Baco sa Oriental Mindoro, sa kabundukang naghihiwalay sa dalawang lalawigan sa pulo.

May taas itong 2586 m, at ang palagiang pag-ulan at biglaang pagbaha ay nagsasanib upang ituring ng mga mountaineer ang Halcon bilang pinakamahirap akyating bundok sa buong bansa. Klasipikado ito bilang isang ultra prominent peak.

Ilang dantaon nang tahanan ng mga Mangyan ang mga dalisdis at kaligiran ng bundok, na tinatawag nilang ”Lagpas-Ulap.”

Sa maaliwalas na panahon, maaaring matanaw ang mga bundok ng Banahaw, Maculot, at Mayon mula sa tuktok ng Halcon. Matatagpuan sa bundok ang ilang eksotikong halaman at hayop, tulad ng nanganganib na uri ng ibon na Mindoro bleeding-heart (kulo-kulo).


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: