Ano ang almires?

Hango sa wikang Espanyol, ang almires (o almeres) ay isang gamit sa kusina na pinagdidikdikan ng mga sangkap sa pagkain o mga rekado na katulad ng paminta at bawang. Ito ay karaniwang gawa sa bato, kahoy, o tanso.

Sa mas komersiyalistang layunin, fiberglass ang ginagamit para sa mas matagalang paggamit.

Sa itsura, ang almires ay kahawig ng lusong (sa sinaunang Tagalog) o als├│ng (sa Ilokano) na gamit kapag nagbabay├│ ng palay o mais .Sa sukat at laki, ang almires ang maliit at dahil na rin para ito sa mas maliit na kantidad ng dinidikdik.

Sa kasalukuyan, marami nang may gamit ng almires para sa iba’t ibang pangangailangan. Para sa matatanda, ang almires ay mahalagang gamit nila para sa paggawa ng kanilang nganga.

Para naman sa isang mahilig magluto, ang almires ay maluwag na rin niyang gamit pandikdik sa mani bilang rekado ng lumpiang sariwa, sa iba’t ibang dahon na pantimpla sa mga ulam, at pati na sa kung ano-anong buto na nanaisin niyang madurog bago lutuin.

Para sa isang malikhaing tao, gamit niya ang almires para durugin ang mga bagay-bagay na materyales niya para sa pagbuo ng isang mosaic o sining na multimedia.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: