Ano ang atsuwete?

Ang atsuwete (Bixa orellana Linn.) o achuete ay punongkahoy na umaabot sa anim na metro ang taas at may bungang tila kapsula, mabalahibo at mapula ang labas ay may maliliit na butong pula sa loob.

Annatto o lipstick plant ang tawag dito sa Ingles. Tumutubo ito sa lahat ng dako ng Filipinas. Itinuturing itong halamang-gamot.

Ang dahon ay inilalaga at pantapal sa galos at paltos.

Ang sapal ng mga buto ay naipapahid din sa naturang pinsala o kaya’y ipinapahid sa noo laban sa sakit ng ulo. Itinatapal din ang nilagang dahon laban sa gonorea.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: