Sa katutubong panitikan ng mga Hiligaynon, tumutukoy ang mga hurubaton (o minsan ay hulubaton) sa mga salawikain o kasabihan. Karaniwang binubuo ang isang hurubaton ng dalawang linya at magkakatugma ang mga dulong tunog ng mga ito.

Sa mga nalikom na kuwentong-bayan ng mga Hiligaynon, madalas na nakapaloob dito ang mga hurubaton bilang linya na nagsasabi o nagpapahiwatig ng aral o saysay ng salaysay.

Noong unang panahon, inaawit o binibigkas ang mga hurubaton upang ipaalala ang mga kaugalian at halagahang kailangang panatilihin o pangalagaan ng taumbayan.

Sa kasalukuyan, tumutukoy na rin ang salitang hurubaton sa lahat ng sawikain o kasabihan sa Hiligaynon, katutubo man o makabago.

Mga halimbawa ng hurubaton ang sumusunod:
Ang tao nga wala sing pilak,

Daw pispis nga wala sing pakpak.

(Ang taong walang salapi

Ay parang ibong walang pakpak.)



Ang tao nga malikaya,

Sa katilingban gina-amuma.

(Ang taong mabuti

Ay tinatanggap ng lahat.)


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr

Mungkahing Basahin: