gawad taga-ilog

Bangkulasi River: 2nd Runner Up sa Gawad Taga-Ilog


Pinarangalan ang Bangkulasi River bilang 2nd Runner Up sa “Gawad Taga-Ilog: Search for the Most Improved Estero in Metro Manila” ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Kabilang sa criteria ang pakikilahok ng mamamayan sa paglilinis ng ilog, pagbabagong pisikal ng ilog, at kalidad ng tubig nito.


Sinabi ni Mayor Toby Tiangco:

Lubos po tayong nagpapasalamat sa inyong pakikipagtulungan para maging malinis ang ating ilog. Ipagpatuloy ang responsableng pagtatapon ng basura para maiwasan ang polusyon sa ating mga anyong tubig. Wag natin sayangin ang atin nasimulan.


Gawin natin itong inspirasyon para lalong makiisa sa pangangalaga sa ating mga katubigan at kapaligiran.


Ang tagumpay na ito ng ating lungsod ay tagumpay ng bawat ng Navoteño. Congratulations po sa ating lahat!


Pinagmulan: @TobyTiangco


Mungkahing Basahin:

1. Ilog Mindanao