dalagang agila

Alam mo ba kung paano maging dalagang agila?


Matapos ang 1 buwang panunuyo, ang dalagang agila ay tutugon sa pamamagitan ng pagtulong sa pag-aayos ng pugad.


Kung hindi tumulong, ibig sabihin ay hindi nakuha ng manliligaw nito ang kanyang interes.


Kapag natapos na silang gumawa ng pugad, hihingi ang lalaki ng permiso na makipagtalik sa dalagang agila sa pamamagitan ng "sex calls" o "sex solicitation calls".


Kung deadma ng dalagang agila ang "sex calls", ito ay sa kadahilanang nagpapa bebe siya o hindi pa siya pwede. At kung ito naman ay handa na, itataas niya ang kanyang buntot bilang senyales ng pagpayag na makipagtalik.


Alam mo ba na bawal ang 3rd party sa nagliligawang pares ng agila?


Tuwing breeding season, ang "sex vocals" na ginagawa ng agila ay senyales upang ipaalam sa ibang agila na sila ay nagliligawang pares at kailangang lumayo ng mga ito sa kanila.


Ang paglipad ng pares sa kanilang teritoryo ay parte ng kanilang "mating ritual".


Pinagmulan: fb/Cenro Calaca


Mungkahing Basahin:

1. Ano ang banoy?

2. Kulasisi

3. Paano manligaw ang isang "Haring Ibon"?