homonhon marker

Homonhon


Homonhon


Ruta ng Ekspedisyong Magallanes-Elcano sa Pilipinas


Matapos magpalipas ng gabi sa katubigan ng Suluan (Bahagi ngayon ng Guiuan, Eastern Samar), Lumipat ang Ekspedisyon sa Homonhon at dito unang tumuntong sa kalupaan, 17 Marso 1521. Tinawag nila itong Acquada Da Li Buoni Segnialli (Bukal ng Magandang Senyales) dahil sa napakalinis nitong tubig. Habang nagpapahinga, nakita silang hapo, may sakit, at gutom ng mga taga-Suluan. Nakiusap sa mga ito si Fernando Magallanes, pinuno ng ekspedisyon, na dalhan sila ng makakain at maiinom at kaniya namang sinuklian ng ibat't ibang bagay, 18 Marso 1521. Agad silang binigyan ng makakain at maiinom ng mga taga-Samar, na nangakong babalik muli upang magdala ng dagdag pang pagkain. Nilisan matapos makapagkarga ng mga pangangailangan, 25 Marso 1521.


Ang panandang pang-kasaysayang ito ay pinasinayaan bilang ambag sa paggunita sa ika-500 anibersaryo ng unang pag-ikot sa daigdig.


Pinagmulan: @nqcPhilippines (National Quincentennial Committee Philippines)


Mungkahing Basahin:

1. Makabagong mga lungsod sa daigdig