On

  

pag-aaklas ng rehimyento ng tayabas

Pag-aaklas ng Rehimyento ng Tayabas


Nag-alsa ang mga miyembro ng Rehimyento ng Tayabas sa pamumuno ni Sarhento Samaniego upang bigyang-katarungan ang pagpatay ng mga Espanyol kay Apolinario de la Cruz at sa mga kasapi ng Cofradia de San Jose noong 1-4 Nobyembre 1841.


Nilusob ang kutang Santiago sa tulong ng katutubong bantay sa loob nito, 20-21 Enero 1843. Nasupil ng hukbong Espanyol, 21 Enero 1843.


Binitay si Sarhento Samaniego at ang kanyang mga kasama sa Bagumbayan, ngayo'y Luneta, 22 Enero 1843.


Pinagmulan: @nhcpofficial (National Historical Commission of the Philippines)


Mungkahing Basahin:

1. 13 Martir ng Bagumbayan