fernando magallanes historical marker

Fernando Magallanes Historical Marker


Isinilang sa Portugal. Unang nagsilbi sa hukbong dagat ng Portugal sa Aprika at Timog Silangang Asya. Nagpanukala kay Carlos I, Hari ng Espanya, na bahagi ng imperyong Espanyol ang Maluku na kilalang pinag-mumulan ng mga pampalasa noon (ngayo'y sakop ng indonesya) sa ilalim ng kasunduan sa Tordesillas. Itinalagang pinuno ng ekspedisyong Espanyol na ipinadala sa Maluku gamit ang rutang karagatang Atlantiko at Pasipiko, 1519-1521. Narating ang Pilipinas, 16 Marso 1521. Nakipagsandugo kay Colambu, Raha ng Mazaua (Limasawa, Southern Leyte), 28 Marso 1521. Nagpakilala ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Nagkaloob sa imahen ng Santo Nino kay Juana, asawa ni Humabon. Nangako kay Raha Humabon ng proteksyong militar at itinalaga ito bilang pinakamataas na pinuno ng Cebu at Mactan. Hindi siya kinilala ni Lapulapu, isa sa mga pinuno ng Mactan. Linusob ang Mactan at doon nasawi, 27 Abril 1521. Naikot ng kaniyang ekspedisyon ang daigdig sa unang pagkakataon, 1522.


Mungkahing Basahin:

1. Sino si Lapulapu?

2. Mactan Historical Marker